Linggo, Hulyo 15, 2012

Hindi na siguro iba sa iyo..



        Hindi na siguro iba sa iyo ang mga letra, maaring nabasa mo na yan sa isang taong pinag aminan mo ng nararamdaman mo. Maaring nasabi mo na yan sa isang tao na hindi mo masabi na hindi mo siya maaring mahalin bilang isang nobyo/nobya. Maaring nasabi mo na yan sa isang tao na ibinigay na ang lahat pero hindi mo talaga kayang mahalin dahil wala ka talagang maramdaman sa kanya. Hirap naman kasing pigilan ang nararamdaman eh. Diba?

Ate Niks.. Binasted ako, Anong gagawin ko?


"PAKYU kamo. Haha! Tutal kapag busted parang inalis na rin yung pagkakaibigan niyong dalawa eh. Sabi nga nila mas better kung friendzone kesa sa mabusted. Basta ganito lang, edi hanap lang ulet. Ganyan lang naman ka simple yan eh. Tandaan mo sa tuwing nagmamahal ka at ayaw ng tao sayo. Hindi ikaw ang nawawalan ok? Kundi sila. Goodluck sa susunod na liligawan Pinsan!"

Ate Niks, sa tingin mo, sa panahon ngayon, okay lang ang MU pero mahal niyo naman ang isa't-isa? :)



"Of course. Kaya nga nating nasabing MU. Kasi Mutual ang Feelings. Minsan nga may MU rin na ano eh. Parang strangers . Tipong kilala niyo ang isat-isa. Pero mutual kayo ng nararamdaman. Yung parehas kayong walang pakialam. Haha!"

Linggo, Hunyo 24, 2012



There is nothing wrong in showing your love for someone. 
 Let it flow in a right way. 
Don’t expect, just make them feel loved by you.




Di bale ng corny. Inlove naman!


Iba ang kilig ng First Love..


        Iba ang kilig ng first love. Syempre, wala kang ideya sa mga pwedeng mangyari sa oras na nasa relasyon ka eh. So para sakin totoo ang first love never dies. Pero hindi yung point na mahal mo pa rin siya, yung memories mo nung first love mo ay mananatili sa puso mo yan. Yung kilig ng unang halik, kilig ng unang hawak ng kamay at marami pang iba. Lalo na yung mga first time monthsary celebration mo, anniversary celebration ( kung umabot man ), mga surprises and efforts sayo ng taong mahal mo etc.

        Kapag kasi nagmahal ka na ng iba dahil sa hindi umubra ang first love mo eh may ideya ka na sa sakit na dulot ng kahapon, sakit na dulot ng pagmamahal. So medyo mag iingat na yang mga yan. Kumbaga nabuksan na ang bintana ng realidad kapag pumasok ka sa relasyon eh. Yung akala niyo kayo na talaga kasi parehas niyong first love ang isat-isa.

        Pero ayaw mo nun? Natuto ka sa first love mo. Tska yun ang challenge ng tao na papasok sa buhay mo. Na magawa niyang pawiin ang alaala ng nakaraan, dahil gagawin niya ang lahat para sumaya ka lang, para mapatunayan niya na deserving siya para mahalin mo siya tulad ng pagmamahal mo dati sa First Love mo.

       Hindi masama magmahal ng sobra, basta may natitira lagi para sa sarili mo. Hindi masama ibigay ang lahat, kapag nakikita mong binibigay rin niya ang lahat sayo. Ang mahalaga hindi kayo nauubusan ng pagmamahal sa sarili niyo. Hangga’t maari mahalin mo ang isang tao, hindi kasi laging mahal tayo niyan, maaring magsawa yan in the near future. Pero alam mo yung point na wala kang guilt feeling kung sakaling mangyari yun? Kasi totoo ang pagmamahal na ibinigay mo.


      
          Dalawa lang gusto ko sa isang tao eh yung TOTOO. Totoo sa sarili nya at higit sa lahat totoo sa kapwa tao nya.