Linggo, Hunyo 24, 2012

Iba ang kilig ng First Love..


        Iba ang kilig ng first love. Syempre, wala kang ideya sa mga pwedeng mangyari sa oras na nasa relasyon ka eh. So para sakin totoo ang first love never dies. Pero hindi yung point na mahal mo pa rin siya, yung memories mo nung first love mo ay mananatili sa puso mo yan. Yung kilig ng unang halik, kilig ng unang hawak ng kamay at marami pang iba. Lalo na yung mga first time monthsary celebration mo, anniversary celebration ( kung umabot man ), mga surprises and efforts sayo ng taong mahal mo etc.

        Kapag kasi nagmahal ka na ng iba dahil sa hindi umubra ang first love mo eh may ideya ka na sa sakit na dulot ng kahapon, sakit na dulot ng pagmamahal. So medyo mag iingat na yang mga yan. Kumbaga nabuksan na ang bintana ng realidad kapag pumasok ka sa relasyon eh. Yung akala niyo kayo na talaga kasi parehas niyong first love ang isat-isa.

        Pero ayaw mo nun? Natuto ka sa first love mo. Tska yun ang challenge ng tao na papasok sa buhay mo. Na magawa niyang pawiin ang alaala ng nakaraan, dahil gagawin niya ang lahat para sumaya ka lang, para mapatunayan niya na deserving siya para mahalin mo siya tulad ng pagmamahal mo dati sa First Love mo.

       Hindi masama magmahal ng sobra, basta may natitira lagi para sa sarili mo. Hindi masama ibigay ang lahat, kapag nakikita mong binibigay rin niya ang lahat sayo. Ang mahalaga hindi kayo nauubusan ng pagmamahal sa sarili niyo. Hangga’t maari mahalin mo ang isang tao, hindi kasi laging mahal tayo niyan, maaring magsawa yan in the near future. Pero alam mo yung point na wala kang guilt feeling kung sakaling mangyari yun? Kasi totoo ang pagmamahal na ibinigay mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento