Dito sa notebook na to nakasulat lahat lahat ng tungkol sakin. Hindi naman sa lahat ng bagay computer lang ang paglalagyan ng kung anu'ano syempre para sakin importante pa rin ang notebook kasi ako lang nakakabasa at nakakaalam kung ano yung laman nito kahit pangit ang sulat ko ako lang makakaintindi nito. Iba pa rin yung feeling na may diary kang tinatawag at dyan din sa notebook na yan ako nag'oopen yung utak ko ang kausap ko at sinusulat ko ito. Kahit na galit din ako nagsusulat ako dyan eh hindi naman pwedeng sa computer ka magalit at mag'open ng galit ka at baka kung ano pa magawa ko sa computer namin eh mapagalitan pa ako lalo pang napasama. Pero merun pa akong isang malapit na bagay eh ETO! ETONG BLOG KO! :))) Bagong blog ko nga pala eto kasi yung isa kong blogspot page ay magulo na eh naguguluhan na ako dun kaya gumawa ako ng bago. So lahat ng pumapasok sa utak ko dito ko na sya ilalagay.