Linggo, Hunyo 24, 2012

Ano course mo?


AKO EDUCATION!

         Unang una muna sa lahat hindi po eto mababang kurso sa kolehiyo dahil isa eto sa pinaka importanteng kurso na dapat pinagtutuunan din ng mga mag'aaral. Ginusto ko talaga ang kursong ito simula nung bata pa ako. Walang duda. Eto talaga! Ang sabi ng iba boring, baduy, nakakapuyat at nakakapagod kasi madaming ginagawa. Saan ka naman nakakita ng kursong walang ginawa kundi tumambay at magpasarap lang sa buhay? At higit sa lahat hindi baduy ang Education, Bakit? Mas iisipin nyo pa rin ba yung kursong sa tingin nyo ay astig kayong tingnan eh ang pinag'uusapan na dito yung kinabukasan mo. Kung tutuusin nga hindi biro ang maging isang guro, dahil hindi nyo malalaman kung anong ibig sabihin ng pangarap kung wala ang mga guro. Hindi nyo rin maaabot o malalampasan ang buhay kolehiyo kung walang gabay ng isang guro. Kaya hindi ko po talaga kinakahiya ang kursong edukasyon na aking tatahakin, kundi ipagmamalaki ko pa ito at magiging pursigido sa pag'aaral ko ngayong ako'y isang ganap na kolehiyo na. At tandaan nyo ang tatahakin na natin ngayon at tunay na kinabukasan ng bawat isa! Tiwala lang makakaya mo yan! :))

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento